"Ano ang ginagawa mo? Sabi ko sa iyo na tasahan mo na itong lapis at simulan mo ng sumulat."
Tinasahan niya ang lapis na nasa pagitan ng kaniyang mga daliri, kasabay ng pagpagpag ng mga upos ng lapis na kaniyang tinatasahan.
"Sa malikhain, kailangan may sining, sa realismo kailangan makatotohanan. Kailangan ko pa bang sabihin saiyo 'to? Alam mo na ito, matik na 'yun napag-aralan mo naman 'yun diba?"
O ano? Hindi ka pa ba nagsusulat? Bilisan mo! Marami pa akong i-e-edit na mga sinulat mo. Sinimulang sumulat, kumawala ang mga kaisipang isinulat sa papel ng kaniyang nagtataeng bolpen.
Nabigla siya sa nasaksihan. Pinigilan ng mga kamay ang bibig na gustong magpakawala ng malakas na tinig.
"Sige na, hayaan mo na siya! Bukas na bukas din ay ibibigay ko na ang mga kailangan mong dokumento." Huminga ng malalim bago tuluyang bitiwan ang kamera na kanina pa niya hawak. Sabay sabing "Ma'am, sige po aalis na po ako."
Wow. Sikretong malupit lang muna yan ngayon. Hehe
TumugonBurahinSalamat Glenn! Eto pala ang Dagli. Anong ang English ng Dagli?